top of page

SELFIE PLEDGE

"PILI- 'Pinas"

Isinulat ni: Leslie Tuico

      Pitong buwan na lamang at mag-eeleksyon na naman. Kaya’t maituturing na nga nating “election season” na. Simula pa lamang sa mga informericals tungkol sa mga naging proyekto ng isang particular na pulitiko na nag-aanimo’y pangangampanya na hanggang sa paghahain nila ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission of Elections (ComElec) na nagmistulang isang perya sa dami ng pakulo at mga taong sumusuporta. Sa dami ng mga indibidwal na ginawa nang opisyal ang kanilang kagustuhang manilbihan sa ating bansa, sino nga ba ang pipiliin mo, Pilipinas?

 

     “Eeeny Meeny Miny Mo” Marahil iyan na ang pinakahuling paraan upang mamili pagitan ng mga bagay na hindi natin mapagdesisyunan. Ngunit, marapat nating isantabi ang paraang ito sa paghahalal ng mga taong magiging sandigan ng buong bansa sa susunod na anim na taon. Ang pagpili ng bagong mga pinuno ng ating bayan ay hindi basta “may mapili lang”. Ito ang ating pagkakataon na pagyabungin ang pagbabago sa ating pamahalaan at lalo na sa ating bayan. Ang matalinong pagboto ay responsibilidad natin sa ating sarili, kapatid, magulang, pamilya, at higit sa lahat, sa ating bayan. Marahil hindi pa natin napagtatanto na ang kinabukasan ng bawat isa ay nasa atin ding mga kamay.

     

       Bakit nga ba natin kailangan maging matalino sa pagboto? Marahil hindi na bago sa ating pandinig ang mga hinaing at paninisi ng ating mga kababayan laban sa gobyerno. Kung ating iisipin, sila rin naman ang naghalal sa mga pinunong ngayo’y kanilang binabatikos dahil sa mga gawaing ‘pangmakasarili’.  Kailangan nating maging matalino sa pagboto upang maiwasan ang kapalpakan sa ating gobyerno. Sa mga kapalpakang ito, lumulutang ang mga pag-uugali at pag-iisip na hindi dapat taglayin ng isang tunay na lider. Ang kamalian ay hindi naman sa ating gobyerno, kung hindi sa ating mga hinahalal na mamuno rito. Kung may pagkakasala sa ating bayan ang ating mga hinalal tulad ng pagiging bahagi ng lumalawak na kurapsyon, lumulutang ang mga itinagong hangarin sa kanilang mga nakangiting mukha. Bilang isang matalinong mamboboto, kinakailangan nating makita ang mga itinatagong hangarin ng mga pulitikong ito bago pa ito tuluyang makaupo sa pwesto. Hindi ko sinasabing lahat ng pulitiko ay may itinatagong hangarin, ang ipinararating ko ay hindi tayo dapat maging bulag sa kung sino ang tapat at hindi.

 

     Nawa’y matuto na ang mga Pilipino sa nagdaang mga eleksyon kung saan napakarami nang mga pangako ngunit bilang lang naman ang natupad. Marapat ay marunong na tayong kumilatis ng isang tao, hindi sa kanyang pisikal na kaanyuan, sa ganda ng mga salita’t pangako, at sa ningning ng pangalan. Hindi dapat tayo na-eenganyo sa mga artista nilang dala sa kampanya, o sa dami ng kanilang commercials at posters sa kalsada. Hindi lang dapat tayo agad-agad naniniwala sa kanilang mga sinasabi dahil tulad ng isang bagong produkto, dapat tayong magsaliksik tungkol dito, kung ito ba’y lubos na nakakatulong sa atin o hindi.

Kaya’t sa nalalapit na Eleksyon 2016, sino nga ba ang pipiliin mo, Pilipinas?

"Eleksyon sa Makabagong Panahon"

Isinulat ni: Danielle Cachero

     Sa pagiging moderno ng ating panahon, nagiging moderno na rin ang pangangampanya ng mga pulitiko. Kahit pitong buwan pa ang hihintayin bago mag-eleksyon, kaliwa’t kanan na ang pagpaparamdam ng mga pulitiko sa telebisyon, radyo, at sa kanilang mga tarpaulin na naglalahad ng kanilang mga nagawa at pagbati. Hindi man direkta ang kanilang pangangampanya, alam nating iyon ang kanilang hangarin dito. 

 

     Hindi man natin maiwasan, nararamdaman na rin natin sila sa mga social media sites. Kapansin-pansin na rin ang pagtaas ng mga likes at followers nila rito, ngunit sana’y alam natin na hindi ito nangangahulugang epektibo ang pamumuno ng particular na lider na ito. Napakarami nang mga articles tungkol sa kanila, sa mga tagumpay ng kanilang mga proyekto hanggang sa iba’t ibang kontrobersya laban sa kanila.

 

     Kung ating iisipin, ang kanilang mga proyekto ay hindi utang na loob para sa mga Pilipino. Baka kinakailangan na natin silang paalalahanan na ang kanilang ginagawa ay kanilang tungkulin bilang mga opisyal sa gobyerno. Totoong dapat tayong matuwa sa tagumpay ng kanilang mga proyekto ngunit hindi dapat tayo tumanaw ng utang na loob mula rito. Kadalasan sa ating mga Pilipino ay nakakalimutang sila ay mga lingkod-bayan sapagkat ang tingin natin sa kanila ay mga diyos, at tayo ay naghihintay lamang maambunan ng kanilang awa’t grasya.

Kung tatanungin naman sila sa iba’t ibang kontrobersya na kanilang kinahaharap, sasabihin lang nila na ito’y kasinungalingan o ‘di kaya’y black propaganda ng kanilang kalaban sa pulitika. Ipinararating din nila ang kanilang panig sa pamamagitan ng Internet.

 

     Tunay na napakalaking tulong ng teknolohiya lalo na ang mga social media sites sa paglalahad ng mga bagay tungkol sa ating mga lingkod-bayan. Hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan sa atin ang mga bagay tungkol sa kanila. Higit sa lahat, iminumulat nito ang mga mata ng kabataan sa mga kinahaharap ng ating bansa dahil alam naman natin na ang mga kabataan ay halos namumuhay na sa likod ng mga social media sites. Magandang mamulat na ang mga kabataan dito sapagkat ito ay paghahanda sa kanilang mga sarili upang mahanap ang natatagong nasyonalismo sa kanilang mga sarili at maging tunay na pag-asa ng bayan.

 

     Isa pang kagandahan ng teknolohiya sa darating na paghahalal ng bagong pinuno ay abot-kamay na natin ang mga impormasyong makatutulong sa atin upang makapamili ng bagong pinuno. Isa na ring paraan ng pagpapakita ng adbokasiya ng pagbabago ay ang paggamit teknolohiya.

 

     Sa lahat ng kagandahang ibinibigay ng Internet sa atin sa darating na eleksyon, huwag din nating alisin sa ating kamalayan na hindi lahat ng nababasa natin sa Internet ay totoo. Kung napakadaling makakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga pulitikong ito, napakadali na ring duktorin ang mga nasabing impormasyon.

 

     Sa pagtanggap ng mga impormasyon na nanggaling sa Internet, kinakailangan nating maging matalino at maingat. Ang mga impormasyong makukuha natin mula rito ay maaring hindi tama, at maging daan upang bumoto rin ng maling tao.

 

     Kaya’t sa darating na Eleksyon 2016, hindi lang dapat tayo umasa sa Internet sa pangangalap ng impormasyon, dapat din tayong maging matalino sa pangingilatis ng impormasyon at mga pulitikong kakandidato.

"Nakalimutan nga Ba?"

Isinulat ni: Leslie Tuico

Isinulat ni: Alexis Culala

     Hindi nawawala sa usapan ng aming pamilya ang mga nagaganap sa ating bansa. Mula sa mga kontrobersya sa iba’t ibang departamento sa gobyerno hanggang sa nalalapit na Halalan 2016. May isang beses na tinanong ko sa aking ama kung kailan siya magpapa-biometrics. Lagi na lamang niyang sinasabi na sa susunod na linggo na lang ngunit ilang linggo na ang nakalipas at hindi pa rin niya ito ginawa.

Nang umabot na ang araw ng Filing of Candidacy sa Commission of Election, nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Tinanong ko siya kung sino ang kanyang iboboto ngunit sinagot niya ako ng “Bakit pa ako boboto? Hindi naman iyan magbibigay ng reporma sa Pilipinas. Pagkatapos ng eleksyon, lahat ng mga sinasabi ng mga pulitikong ‘yan ay makakalimutan din ng lahat.” Totoong nalungkot ako sa kanyang mga sinabi. Sa higit apat na dekada nang namumuhay ang aking ama rito sa ating bansa, marahil ay hindi niya pa rin nakita ang pagbabago sa ating gobyerno kaya’t nawalan na siya ng pag-asa. Marahil iyan din ang pag-iisip ng ilan sa ating mga kababayan.

 

     Bilang isang Pilipino, hindi ko maiwasang magalit sa aking mga kababayang hindi na gumagawa ng paraan upang mahanap ang pagbabagong kaytagal na nilang inaasam. Hindi ba nila naisip na ang pagkakataong bumoto ay pagkakataong abutin ang pagbabago sa ating bayan?

 

     Nalimutan na ba natin ang mga pinagdaanan ng ating bayan sa kamay ng kurapsyon upang baliwalain ang pagkakataong bumoto at kumawala rito? Ngayong binibigyan tayong muli ng pagkakataong maghalal ng taong tapat, ng taong may tunay na pagmamalasakit, dapat nating huwag sayangin ito sapagkat ang kinabukasan ng ating bayan ang nakasalalay dito.

 

     Nalimutan na ba natin ang pakikipaglaban ng ating mga ninuno upang makuha lang ang karapatang bumoto? Inialay nila ang kanilang buhay upang makawala sa pang-aapi. Inialay nila ang kanilang buhay upang makapagtayo tayo ng sariling pamahalaan, pamahalaang para sa masa. Kahit moderno na ang panahon at masasabing isa tayong malayang bansa, hindi pa rin tayo tunay na malaya dahil sa pagkakakulong natin sa mga makabagong pang-aapi, ang kurapsyon ng ating kapwa Pilipino. Ang pakikipaglaban ngayo’y hindi na sa pamamagitan ng dahas, kung hindi sa pagiging matalinong mamamayang ginagamit ng wasto ang kanyang karapatan.

 

     Nalimutan na ba natin ang puso ng demokrasya at kahalagahan ng ating mga tinig?

     

     Marahil hindi lahat sa atin ay nakalimot, ngunit nawalan ng pag-asa. Ngunit, bilang isang Pilipinong naghahanap ng pagbabago, responsibilidad nating huwag mawalan ng pag-asa. Kung tayong lahat ay mawawalan ng pag-asa, ano na lang ang mangyayari sa ating bansa? Wala, at magpapatuloy ang kahirapan.

 

     Kung hindi nga natin nakalimutan ang mga ito, bakit ba naging isang opsyon sa atin ang pagboto? ANG PAGBOTO’Y ISANG RESPONSIBILIDAD!

"Let us Aim for the Best"

 

     The greater the power is, the greater the responsibility it holds. Choosing who will have greater power or choosing who will lead is significant. A leader that has enough knowledge how he/she will manage and listen to his/her members. A great leader will have a great group, just like in leading a country, the greater the president leads, the greater the country’s succession. If our future president is the one who is really qualified for that position then, complaints won’t be necessary.

 

     Imagine a country who has greater opportunities, wouldn’t it be great for us to have a country like that? Imagine a country who has no flaws in their system, no corruption, just honest and intelligent persons are on the government. The intelligent person I’m talking about is not the one who has a college degree. A college degree is not a basis for someone who can serve our country, every one of us can serve our country. The intelligent person I’m talking about is the one who will choose the right thing to do and he/she never dares or think just for a second to fool people. The one who will choose what is for the better of our country and not for the better of his/her pockets. This intelligent person can be the key to the success of the Philippines and its people. Good deeds shall be rewarded that’s why, wise votes should be rewarded. Voting wisely without the influence of money but because we know that particular person can be the perfect man/woman to lead our country will gives us long time benefits.

 

     Voting for the coming years should not be driven by money, it should never be the judge or the basis on who you will vote because it will never be the decision maker. Just because a candidate is giving you money while he/she is campaigning, it does not mean he will give you money when he/she is already at the position he/she want to be. If that candidate got the position, he/she will get back and double the money that he/she gave you. Some people plays the election by money and fake platforms, if an individual was driven by this people then, he/she is a fool for choosing temporary benefits than having long term benefits and happiness.

 

     We should aim for clean elections this 2016, for the better future is ahead of us if we achieve this. We should vote for the best candidate that we think that will help us, people of the Philippines. If we achieve to vote with the will of our hearts and minds, truthfully and rightfully then we should be proud of our selves for we chose the right thing to do. We should be proud because the power of our ‘one time only’ voting in the election is not wasted. Voting the person because he/she is the one you really want to be in that position would not give you doubts on the government because you trust the one who you voted. And voting the right one would lessen the complaints and rallies for the right one will only do the right thing and if a person does the right thing then, we could never wish for anything anymore for he/she has given us a good service.

 

     Notice to all voters around the Philippines, we should only do the right thing, vote the right one. Voters should know what’s right and wrong at their age. They should know how to say yes to good and say no to bad. At their age, they should know how hard it is for a country to have a poor administration.  If we will achieve a clean election then, we will have a great administration. A great administration is the result of having a clean election and clean election is the first step to attain the good future that all of us Filipinos want.

"Pagkakaroon ng Malinis na Eleksyon"

Isinulat ni: Lorenzo Moquete

Isinulat ni: Lorenzo Moquete

     Ang taong may mataas na posisyon sa gobyerno ay ang namumuno sa isang bansa, ang dapat na mamuno o isang lider ay dapat na may kakayahang pakisamahan ang mga taong nasa ilalim ng kanyang pangangalaga at may sapat na kaalaman para mas marami siyang maiaambag na ikauunlad ng kanyang  bansang pinamumunuan. Ito ang mga bagay na dapat taglayin ng mga taong kakandidato sa mga darating na eleksyon  para masabing karapat-dapat siya sa posisyong iyon.

 

     Lahat tayo ay may karapatang maging isa sa mga maging tagapamahala sa ating bansa kung meron tayong sapat na kaalaman at may kakayahan na pamunuan ito.Kung walang corruption sa Pilipinas at may mga ganitong ugali ang mga taong may posisyon sa ating bansa tiyak na walang gulo at mawawala ang kahirapan sa Pilipinas, kasi dagdag din sa ating kahirapan ang pagiging corrupt ng mga ahensya ng pamahalaan. Alam natin na yung ibang tao na gustong magkaroon ng posisyon sa pamahalaan ay dahil sa gusto nitong kumita ng pera at mangurakot sa lugar na kanyang pinamumunuan. Ang taong may mabuting hangarin para sa ating bansa ay ang taong dapat na mamuno sa ating bansa.

 

     Sa mga darating na eleksyon, dapat ay pag-isipan ng mabuti ang mga taong dapat na iboto dahil tayo rin ang makikinabang kung mabuting tao ang ating maiboboto. Ang ibang kakandidato sa darating na eleksyon ay binabayaran ang taong bayan para siya ay iboto pero hindi sagot ang pera para iboto mo siya. Kung siya ang ibinoto mo dahil binayaran ka niya at siya ang napunta siya posisyong iyon tiyak na mas marami siyang kitain dahil sa hindi mo pagboto ng maayos. Maraming tao din ang pwedeng madamay dahil sa pagboto sa maling tao.

"Sino ang Kailangan?"

Isinulat ni: Venice Ammogawen

     Palapit na naman ng palapit ang eleksyon at hindi natin namamalayan na sa susunod na taon na pala ito, ano naman kaya ang panibagong magagawa ng Gobyerno? Sa dinami dami ba naman ng problemang kinahaharap at hinarap ng ating bansa ngayong taon sa paanong paraan kaya nila maipapakita ang karangyaan at kaayusan ng kanilang pamamalakad? Simple lang naman siguro, Sino ba talaga ang solusyon sa ganitong gawain?

 

     Ang kasagutan diyan ay tayo mismong mga bumoboto. Magagamit natin ang ating mga utak kung mailalathala ng bawat mamamayan kung sino ang karapat dapat sa posisyong mayroon sila. Kung naguguluhan kayo kung paano, eh akin na ngang nabanggit ay ang paggamit ng utak! Yan ang pairalin. Ang lahat ng ito ay hindi nadadaan sa bait, at malambot na puso lamang ng isang taong boboto at iboboto. Dahil isang facts na maaari kong sabihin ay, marami ng plastic sa mundo mapa-basura man, mapa-gamit man at sa masakit na salita kahit tao ay nagiging plastic na, hindi niyo ba alam na sa kaplastikan ng tao marami ng sangay ang mga ito?

 

     Sangay ng mga kaplastikan sa pilipinas, Unang una, saan ba nagmumula ang kaplastikan na ito? Syempre, sa utak din! Aba nakakagulat. Dito na lumalaganap ang kurapsyon, kasinungalingan, gahaman sa kwarta at sa posisyon. Sobrang makasalanan pero kung tayo ay magtutulungan na mabigyan ito at ang pagbabago ng solusyon sa pamamagitan ng tamang pagboto? Aba’y kayang kaya natin i-flush sa kubeta ang mga taong hindi karapat dapat para sa napakahalagang lugar na maraming maaapektuhan. Sa huli, sino ba ang kailangan ng mga ito? Tayo rin. Dahil kung wala tayo, ang mamamayan. Anong silbi nila? Wala!

"Maduming Pamamalakad"

Isinulat ni: Dayrick Basilio

     Palapit na naman ng palapit ang eleksyon at hindi natin namamalayan na sa susunod na taon na pala ito, ano naman kaya ang panibagong magagawa ng Gobyerno? Sa dinami dami ba naman ng problemang kinahaharap at hinarap ng ating bansa ngayong taon sa paanong paraan kaya nila maipapakita ang karangyaan at kaayusan ng kanilang pamamalakad? Simple lang naman siguro, Sino ba talaga ang solusyon sa ganitong gawain?

 

     Ang kasagutan diyan ay tayo mismong mga bumoboto. Magagamit natin ang ating mga utak kung mailalathala ng bawat mamamayan kung sino ang karapat dapat sa posisyong mayroon sila. Kung naguguluhan kayo kung paano, eh akin na ngang nabanggit ay ang paggamit ng utak! Yan ang pairalin. Ang lahat ng ito ay hindi nadadaan sa bait, at malambot na puso lamang ng isang taong boboto at iboboto. Dahil isang facts na maaari kong sabihin ay, marami ng plastic sa mundo mapa-basura man, mapa-gamit man at sa masakit na salita kahit tao ay nagiging plastic na, hindi niyo ba alam na sa kaplastikan ng tao marami ng sangay ang mga ito?

 

     Sangay ng mga kaplastikan sa pilipinas, Unang una, saan ba nagmumula ang kaplastikan na ito? Syempre, sa utak din! Aba nakakagulat. Dito na lumalaganap ang kurapsyon, kasinungalingan, gahaman sa kwarta at sa posisyon. Sobrang makasalanan pero kung tayo ay magtutulungan na mabigyan ito at ang pagbabago ng solusyon sa pamamagitan ng tamang pagboto? Aba’y kayang kaya natin i-flush sa kubeta ang mga taong hindi karapat dapat para sa napakahalagang lugar na maraming maaapektuhan. Sa huli, sino ba ang kailangan ng mga ito? Tayo rin. Dahil kung wala tayo, ang mamamayan. Anong silbi nila? Wala!

     Nalalapit nanaman ang panahon ng botohan. Maraming tao ang kanya-kanyang pipili kung sino ang gusto nilang umupo sa pwesto bilang Presidente, Bise Presidente, at iba pang pangunahing pwesto sa ating pamahalaan. Mga taong umaasa na matutulungan sila ng mga tao ito sa pagdating ng panahon. Makakasangga sa panahon ng kagipitan at iba pang uri ng problema. Ang mga taong ito ay dapat piliin talaga kung sino ang karapat dapat na umupo. Upang maiwasan ang pagkadismaya sa huli o pagsisisi. Sa pulitika hindi talaga maiiwasan ang maduming trabaho o pamamalakad na ikinasisira ng isang bansa. Kaya ngayong papalapit na ulit ang eleksyon, maaring dapat lang may mabago na dito.

 

     Hindi dapat masilaw ang mga tao sa pera. Mga tumatakbong, Ginagamit ang pera upang manalo. Hindi dapat maging ganun moralidad ng mga nangagampanya ngayon. Lalo na’t ang ating bansa ay naghihirap. Sa lalong madaling panahon ay dapat mabago na ito. Kailangan na ng ating bansa ang kaginhawaan. Kaginhawaan ng mga  mahihirap na Pilipino. Magagawa lamang ito kung magiging malinis na ang buhay pulitika. Wala ng korapsyon, wala ng vote buying na na nangyayari. Kailangan magbago na maging imahe ng pulitika. Kung hindi ito mabago. Lalong maghihirap ang ating bansa sa punton aasa na lamang tayo sa ibang bansa. Kaya hanggat maaga ay  may maging batas at mataas na parusa sa mga gagawa nito.

 

     Gumawa dapat ng aksyon ang mga bumobto, dahil sa huli maganda rin ang kalalabasan nito. Magiging maayos ang buhay n gating bansa. Maging marangal tayo sa pagboto. Dapat yung iboboto natin ay talagang gusto natin. Hindi dahil sa may nagbigay ng pera para ibuto natin. Maging babala sana satin ang mga nangyari nung mga nagging unang administrasyon. Maraming ng pinagdaanan na ating bansa tungkol sa pulitika. Na hanggang ngayon wala manlang itong pagbabago. Kaya dapat bilang isang mamboboto maging marangal dapat. Pag-isipan muna ng mabuti kung sino ang iboboto, dahil tayo rin naman ang makikinabang. Hindi sago tang pera sa problema natin.

 

SLOGAN

ang pagboto'y pagkakataon upang iparinig ang iyong boses, pagkakataon upang gumawa ng hakbang para sa pagbabagong matagal nang inaasam nating mga pilipino. kung ipagbibili mo ang iyong boto, ipinagkanulo mo na rin ang iyong bayan

sa pagboto, hindi natin basta-basta iitiman ang bilog sa balota na parang isang ticket sa lotto. bawat tintang itatatak natin sa balota ay makapagbabago sa kinabukasan sa ating bansa kaya ito'y dapat pinag-iisipan nang mabuti.

ang perang kanilang ipinambabayad sa binibiling boto ay babawiin din nila kapag nakaupo na sila sa pwesto sa pamamagitan ng pagnanakaw sa bayan. sa madaling sabi, ang ipinambibili nila ng boto ay perang nakaw din sa bayan.

wag tayong basta-basta masilaw sa dami ng kanilang commercials, posters, kilalang endorsers, at marami pang iba sapagkat maari nila tayong lokohin sa pamamagitan nito. dapat tayong maging matalino sa pagtanaw sa kanilang mga pakulo, kung totoo man ito o hindi.

bottom of page