top of page
Kwalipikasyon sa Pagboto:
• Filipino Citizen na isang rehistradong botante
• Hindi bababa sa labing-walo (18) taong gulang
• Naninirahan sa Pilipinas na hindi bababa sa isang (1) taon;
• At anim na buwan (6 months) na paninirahan sa lugar na pagbobotohan
Gabay sa Matalinong Pagpili ng Iboboto:
BILANG ISANG MAMBOBOTO, RESPONSIBILIDAD NATING MAGING MATALINO SA PAGPILI NG IBOBOTO SAPAGKAT NAKASALALAY DITO ANG KINABUKASAN NG BANSA.
Alamin ang mga isyung mahalaga sa'yo
Magdesisyon kung ano ang usaping dapat bigyan ng pansin para sa'yo. kung may isang kandidatong may plataporma ukol dito, alamin kung may nagawa na ba siya tungkol dito.
gawin ang listahang ito Batay sa kanilang plataporma at paninindigang mahalaga sayo
Gumawa ng listahan ng mga napupusuang kandidato
Dumalo ng meeting de avance, manood ng debate at public discussion upang mas makilala pang mabuti ang kandidato.
Kilalanin ang iyong mga kandidato
• Alamin ang personal na impormasyon ng bawat kandidato.
• Suriin ang edukasyon at karanasan sa pamumuno ng mga kandidato.
• Isaalang-alang ang sektor ng lipunan, pamilya o industriya na pinagmulan ng mga kandidato.
Makibalita sa personal na impormasyon ng iyong kandidato
Salain ang mga kandidatong nararapat at angkop sa iyong pangarap sa bayan. Tandaang hindi lahat ng impormasyong nababasa natin ay totoo, kaya't marapat nating kilatisin ang mga impormasyong ito.
Siyasatin ang mga impormasyong nakalap tungkol sa naturang kandidato
dalhin ang Listahang maaaring gamiting basehan sa araw ng mismong halalan upang maiwasan ang kalituhan.
Bumoto nang may kasamang pinal na listahan ng iyong iboboto.
Mga Video na Makakatulong sa Pagboto:
bottom of page